Sa likod ng lugmok na moralidad ng bayan, hindi sumusuko ang KUBOL PAG-ASA sa matayog na pangarap na magkakaroon pa rin ng kalutasan ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Ngunit hindi marahas na pamamaraan ang sinasaligan nito kundi mataimtim na panalangin at sakripisyo ng pag-aayuno.
Adhikain ng KUBOL PAG-SA na magkaroon ng liwanag ang mga nasa dilim, makamtam ang hustisya ng mga pinagkaitan nito, mapairal ang kapayapaan, masugpo ang karahasan at muling buhayin ang katapatan, at katwiran.Panalangin at pag-aayuno ang tanging sandata ng KUBOL PAG-ASA.
Panalangin at pag-aayuno na impluwensiya ni Fr. ROBERTO P. REYES.
Bilang alagad ng simbahan at kinatawan ni Hesus, pananagutan ni Fr. Robert na ipagtanggol ang mga naaapi, ituwid ang landas ng mga nalilihis, tulungan ang mga kapos sa buhay, pakinggan ang mga nagdadalamhati, isiwalat ang mga kasinungalingan, tumindig sa katwiran. Lahat ng ito para sa pagpupuri sa Diyos at pagmamahal sa bayan.
Sa ganito, matuwid kayang parusahan siya ng pagkakulong? Hindi kaya nararapat na hayaan pa nga siyang mangaral ng katwiran para sa kapayapaan? Hindi kaya higit kailanman ngayon siya nararapat na suportahan ng simbahan, ipagtanggol at kalingain?
Kailan naging kasalanan ang magmahal sa bayan?
Kailan naging kasalanan ang adhikain ang kapayapaan?
Kasalanan bang hanapin ang katwiran?
Kasalanan bang mangarap at magsakripisyo para sa pagbabago?
Naninindigan ang KUBOL PAG-ASA na dapat nang palayain si Fr. Robert.
Naninindigan ang KUBOL PAG-ASA na dapat kalingain ng simbahan si Fr. Robert.
Naninindigan ang KUBOL PAG-ASA na patuloy na mananalangin at mag-aayuno para sa bayan, para sa Diyos.
Wednesday, December 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment